Thursday, June 14, 2012

Palasak

Thursday, June 14, 2012

Magkahalong yamot at pagkamangha ang aking naramdaman habang kapiling ang isang grupo ng kabataan paakyat ng bulkan. Isang dekada lang naman ang tanda ko sa kanila, ngunit tila hindi ko maunawaan ang kanilang usapan. Ganito na nga ba ang tipo ng pag-uusap na palasak sa kasalukuyan, o ako ba ay nasanay lamang sa sinauna? Lahat ng kanilang pangugusap ay nagsisimula sa katagang ‘tang-ina na binudburan pa ng mas makukulay na salita na panunungayaw kung ituring ng iba. Sa tono at wika ng kanilang pananalita lahat ng bakas ng pagpipitagan ay tuluyan ng nawala. Ang mga salitang ginagamit ba nila ang dahilan o ang kawalan ng katuturan at paggalang sa kanilang usapan? Marahil ako lamang ay nagiging mapanuri at mapanghusga o sadyang tuluyan nang tumatanda.

3 comments:

eks said...

pansin ko din yan minsan. parang feeling nila kool sila kapag openly e nasasabi nila mga ganung pagmumura. kakainis dun yung ganun.

Anonymous said...

world trade financials!

artemis said...

ahahaha, ang ganda ganda ng Tagalog mo.. yung mga kabataang ganyan magsalita ay naglalarawan lng kung anong klase ng upbringing meron sila. it's a pity...

 
muffled solitude © 2007-2017. Design by Pocket | Distributed by Blogger Blog Templates