Friday, June 12, 2009

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Friday, June 12, 2009

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (1896)
Ni Andres Bonifacio


Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Isn’t it good to be reminded of this once in a while? Happy Philippine Independence Day, everyone.

4 comments:

Kayni said...

i remember delivering this in class...it's good to remember these words.

Angeli said...

yes it is, kayni. kahit paminsan minsan lang diba? :)

jacqueline said...

we had this as a piece for sabayang pagbigkas in celebration of Linggo ng Wika when we were in High School.

Lorenz and I would usually recite the Panatang Makabayan, challenging Alexie to recite their new version. at hindi nya ma-recite ng buo! huh!

and I wonder, how do schools nowadays, instill love of country to their students... hmmm....

Anonymous said...

ok

 
muffled solitude © 2007-2016. Design by Pocket | Distributed by Blogger Blog Templates